Home METRO 2 tulak tiklo sa P110K shabu sa Caloocan

2 tulak tiklo sa P110K shabu sa Caloocan

MANILA, Philippines – BINITBIT sa kulungan ang dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos makuhanan ng mahigit P.1 milyon halaga ng droga nang kumagat sa ikinasang buy bust operation ng pulisya sa Caloocan City, Biyernes ng madaling araw, Abril 19.

Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong mga suspek na sina alyas “Demonyo” at alyas “Jeng-Jeng”, kapwa residente ng lungsod.

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Col. Lacuesta na nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) hinggil sa umano’y ilegal drug activities ni ‘Demonyo’ kaya isinailalim nila ito sa validation.

Nang makumpirma na positibo ang report, ikinasa ng SDEU ang buy bust operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek dakong alas-3:02 ng madaling araw sa Salmon St., Brgy. 8 matapos magsabwatan na bintahan ng P6,500 halaga ng droga ang isang pulis na nagpanggap na buyer.

Ani Col. Lacuesta, nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 16.32 grams ng hinihinalang shabu na may katumbas na halagang P110,976.00 at buy bust money na isang P500 bill, kasama ang anim na P1,000 bododle money.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. Rene Manahan