Home METRO Trabahador patay sa nasunog na tindahan ng LPG sa Caloocan

Trabahador patay sa nasunog na tindahan ng LPG sa Caloocan

MANILA, Philippines – Patay ang isang trabahador nang ma-trap ito sa nasusunog na tindahan ng LPG sa Barangay 176, Caloocan City.

Ayon kay Fire Senior Inspector Elyzer Rubel Leal ng Bureau of Fire Protection-Caloocan, nakainom umano ang 25-anyos na biktima kaya hindi ito nakalabas.

Nagtagal ng hanggang isang oras ang sunog bago tuluyang naapula. Nagkaroon pa ng sunod-sunod na pagsabog sa lugar kung saan tatlong tirahan ang nadamay sa sunog.

Aabot sa P200,000 ang naitalang pinsala sa mga ari-arian dahil sa nangyaring sunog. RNT/JGC