MANILA, Philippines – Isinusulong ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang pagtatayo ng urban green spaces para mabawasan ang tumataas na heat index sa bansa.
“Among the interventions of the Department to lower the heat index is the promotion of the establishment of urban green spaces especially in highly urbanized areas,” sinabi ng DENR sa panayam ng GMA News.
“Urban green spaces can reduce the Urban Heat Island effect and can help reduce air pollutants in the area,” dagdag ng DENR.
Ang Urban Island Heat Effect ay ang mataas na temperatura na nararanasan sa mga urban areas.
Binabawasan ng mga green park at mga kagubatan ang init ng panahon sa natural shade na ibinibigay nito.
Sa Metro Manila, kabilang sa mga green spaces na maaaring mapuntahan ng publiko ay ang Arroceros Forest Park, UP Academic Oval, People’s Park, Greenway Park, Ayala Triangle Gardens, Estero Tripa de Gallina, at Filinvest City Central Park.
Para mabawasan ang mataas na heat index at epekto ng climate change, nagpapatupad na ang DENR ng mga programa katulad ng Enhanced National Greening Program.
Mahigit 1.8 bilyong mga punla ang itinanim sa 2.17 milyong ektarya ng lupain sa bansa sa pagsisimula ng programa noong 2011. RNT/JGC