Home METRO Babae patay sa pananambang

Babae patay sa pananambang

MAGUINDANAO DEL SUR- Isa na namang babae ang pinagbabaril-patay ng mga hindi pa kilalang suspek habang kritikal ang driver ng motorsiklo noong Huwebes sa bayan ng Datu Saudi Ampatuan.

Kinilala ang biktimang si Aloha Sandigan, nasa hustong gulang habang ginagamot sa ospital ang driver ng motorsiklo na si Esmael Ebus.

Ayon kay Col. Roel Sermese, director ng Maguindanao del Sur provincial police, umaga ng Huwebes nang maganap ang krimen sa highway na sakop ng Barangay Salbo, Datu Saudi Ampatuan.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, angkas si Sandigan sa motorsiklo na minamaneho ni Ebus nang bigla na lamang silang tambangan ng armadong suspek.

Dito, pinagbabaril ang biktima na tinamaan sa iba’t ibang parte ng katawan saka mabilis na tumakas ang suspek.

Isinugod naman sa ospital ang mga biktima subalit sa daan pa lamang ay nalagutan na ito ng hininga.

Inaalam na ang motibo sa krimen at pagkakakilanlan ng suspek.

Matatandaan na isang araw pa lamang ang nakalipas matapos tambangan at pagbabarilin-patay si Christia Angela Aragoncillo, 27-anyos, Logistics Management Officer ng Bangsamoro Social Services Ministry.

Hanggang ngayon ay blangko pa rin ang awtoridad sa magkasunod na krimen. Mary Anne Sapico