ANG oposisyon ay palaging nakabantay at kritiko ng pamahalaan o administrasyon na nakaupo sa kapangyarihan ng bansa hindi lang sa usaping pulitikal.
Tulad sa ating bansa na may sistemang demokrasya ang pulitikang umiiral, mahalaga ang papel ng oposisyon para sa “check and balance” sa pamamahala ng administrasyon.
Sa kasalukuyan, dito sa ating bansa ay may dalawang grupo ng oposisyon. Una, ang mula pa sa oposisyon ng nakaraang administrasyong Duterte at ang pangalawa ay mula rin sa mismong administrasyong Duterte na kumalas sa pamahalaan at naging kritiko ng administrasyong Marcos, Jr.
Ang mga datihang oposisyon ay ang Liberal Party, Akbayan, Makabayan Bloc, Magdalo, Bunyog, Partido Lakas ng Masa at kilala bilang “Dilawan”, “Pinklawan” at “sosyalista” na nagsasabing sila ang totoong Makabayan at ang pangalawang oposisyon ay ang kampo ng tatak Duterte Diehard Supporters o DDS at kasama ang mga nakaupo noong unang taon ni Pangulong Marcos sa gobyerno subalit pawang nag-resign sa posisyon sa pamahalaan at nangunguna sa mga rally ng Maisug laban sa kasalukuyang administrasyon.
Malaki ang pagkakaiba ng dalawang oposisyon ngayon sa bansa. Ang una ay hindi nagpapakita ng galit sa administrasyon tulad noong nakaraang 2024 SONA ni Pangulong Bongbong Marcos kung saan tumayo, pumalakpak at nagpahayag ng suporta sa paninindigan nito sa paggiit na atin ang West Philippine Sea at patuloy na iginigiit ito sa diplomasyang pamamaraan; pagpapahinto sa operasyon ng POGO sa buong bansa; at sa pagkumbinsi na patuloy nating labanan ang maling gawain.
Sa kabilang banda, ang umusbong na oposisyon ng administrasyon ay pawang pagtuligsa at galit kaya noong SONA ay bitbit ng grupo ang mga placard na may panawagang “Resign” kay Presidente Marcos. Ang mga lider naman nito ay tikom ang bibig sa usapin ng P125 milyon confidential fund ng Department of Education, Pastor Apollo Quiboloy at responsable umano sa pagpapalabas ng Maisug group ng malisyosong video na nagpapakita na nagdo-droga umano ang Pangulo.
Kaya ngayon, taumbayan na ang dapat humusga kung alin sa dalawang oposisyon ang matatawag na “genuine opposition”.
Kung ako ang tatanungin, personal na opinyon ko na ang “GO” ay ang nagbabandila ng “constructive criticism” sa
Kaya ang aking personal na opinyon o pag aanalisa sa takbo ng mga pangyayari ay maingat at responsable ang una o genuine opposition na administrasyong Marcos habang ang isa ay matatawag lang na “new opposition” sapagkat gumagamit sila ng “destructive criticism”.