Home METRO 2 wanted na palsipikador, timbog

2 wanted na palsipikador, timbog

137
0

BATAAN – Nahulog sa kamay ng mga awtoridad ang dalawang wanted person na sangkot sa umano’y pagpapalsipika o pamemeke ng mga pampublikong dokumento matapos masakote ang mga suspek sa ikinasang manhunt operation ng pulisya sa Barangay Binaritan, Morong.

Batay sa ulat kay Bataan Police Director Col. Marites Salvadora,

Kinilala ng pulisya ang mga naarestong suspek na sina “Jack” at “Poy,” nasa wastong gulang at kapwa residente sa naturang lugar.

Nadakip ang mga suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte. Kapwa akusado at wanted ang mga ito sa kasong Falsification of Public Documents.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang mga naarestong suspek para sa dokumentasyon at tamang disposisyon. (ROEL TARAYAO)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here