Home NATIONWIDE 21 armas isinuko ng mga sibilyan sa North Cotabato

21 armas isinuko ng mga sibilyan sa North Cotabato

342
0
File Photo

MANILA, Philippines — Boluntaryong isinuko ng mga sibilyan ang 21 piraso ng armas sa Carmen, North Cotabato nitong Biyernes bilang suporta sa kampanya ng militar laban sa loose firearms.

Ayon kay Lt. Col. Erwin Jay Dumaghan, commanding officer ng Army’s 40th Infantry Battalion, kabilang sa isinuko ang limang homemade Barrett sniper rifles, pitong M16 rifles, isang M14 rifle, dalawang M203 grenade launchers, at anim na rocket-propelled grenades na may launchers.

Ipinresenta ni Dumaghan ang mga nasamsam na armas kay Brig. Gen. Ricky P. Bunayog, commander ng Army’s 602nd Infantry Brigade, na nagpahayag ng kasiyahan sa tagumpay ng programa.

“This surrender of guns indicates that the collaboration between local government, military, and civilians is effective in establishing a peaceful community,” ani Bunayog.

Para naman kay Maj. Gen. Donald M. Gumiran, commander ng 6th Infantry Division (6ID), ang kampanya laban sa loose firearms ay mahalagang bahagi ng estratehiyang “winning the peace.”

“In every firearm that we demobilize means one safe community where people live peacefully,” aniya.

Higit 400 iba’t ibang uri ng armas ang naiturn-over na ngayong taon sa area of responsibility ng 6ID sa Central Mindanao, na sumasaklaw sa North Cotabato, Maguindanao del Sur, Maguindanao del Norte, Sultan Kudarat, South Cotabato, at bahagi ng Sarangani. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here