Home NATIONWIDE Masbate inuga ng M-4.8 na lindol

Masbate inuga ng M-4.8 na lindol

269
0

MANILA, Philippines – Niyanig ng magnitude 4.8 na lindol ang bayan sa Masbate nitong Linggo ng umaga, Setyembre 14.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), ang lindol ay naganap 6:45 ng umaga sa layong 28 kilometro kanluran ng Claveria, Masbate.

Tectonic in origin ang lindol at may lalim na 10 kilometro.

Sinabi ng PHIVOLCS na walang inaasahang pinsala sa lindol at wala ring aftershock.

Naramdaman naman ang mga sumusunod na instrumental intensities:

Instrumental III: Legazpi City, at Legaspi sa Albay; Monreal, Masbate
Intensity II: Arorory at Milagros sa Masbate; Sorsogon City at Castilla sa Sorsogon
Intensity I: Iriga City, Camarines Sur; Bulusan, Sorsogon. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here