Home NATIONWIDE 269 pasaway na parak, naparusahan nitong Setyembre – PNP

269 pasaway na parak, naparusahan nitong Setyembre – PNP

195
0

MANILA, Philippines – Iniulat ng Philippine National Police (PNP) na 269 na pulis ang naparusahan nitong nakaraang buwan dahil sa paglabag sa mga alituntunin at patakaran ng pagpapatupad ng batas.

Mula Agosto 26 hanggang Setyembre 24, 92 pulis ang sinibak sa serbisyo, 18 ang ibinaba sa ranggo, 117 ang sinuspinde, at dalawa ang nawalan ng suweldo. Bukod dito, lima ang tinanggalan ng pribilehiyo, walo ang nilimitahan ang tungkulin, at 27 ang binigyan ng reprimand.

“Nanatiling matatag ang ating zero-tolerance policy,” ayon kay Acting PNP Chief Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. “Walang paglabag na palalampasin — patunay ito ng aming hangarin na mapanatili ang pananagutan at maibalik ang tiwala sa PNP.” Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here