Home METRO SK chair, arestado sa kasong rape sa Ilocos Norte

SK chair, arestado sa kasong rape sa Ilocos Norte

284
0

BATAC CITY — Arestado ng mga pulis ang isang 24-anyos na Sangguniang Kabataan (SK) chairman na wanted sa kasong rape sa Batac City, Ilocos Norte.

Kinilala ang suspek bilang pang-walong most wanted person sa Ilocos Region, at nadakip ng Batac City Police nitong Lunes sa bisa ng warrant of arrest mula sa lokal na hukuman.

Pinuri ni Police Brig. Gen. Dindo Reyes, hepe ng Ilocos police, ang mga operatiba at iginiit ang pangako ng kapulisan sa pananagutan.

“Ang batas ay para sa lahat. Ang paglilingkod publiko ay nangangailangan ng integridad at respeto sa kapwa. Patunay ang pag-arestong ito na walang sinuman ang higit sa batas,” ani Reyes. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here