Home METRO Lalaking matapang, kumuha ng police clearance, inaresto

Lalaking matapang, kumuha ng police clearance, inaresto

338
0

MANILA, Philippines – Inaresto ang isang lalaki matapos lumabas na may nakabinbin siyang warrant of arrest habang nag-a-apply ng police clearance sa Dasmariñas City, Cavite.

Ayon sa ulat, bandang alas-4:00 ng hapon kamakalawa ay nagtungo ang suspek na si alyas Gima sa Dasmariñas Component City Police Station upang kumuha ng police clearance na kailangan niya sa trabaho.

Pagkaraan ng ilang minutong paghihintay, imbes na clearance ang ibigay sa kanya ay ipinakita sa kanya ang isang warrant of arrest na inisyu ni Hon. Elenita Carlos Dimaguila, Assistant Judge ng Regional Trial Court, National Capital Region, Branch 112, Pasay City.

Batay sa beripikasyon ng National Police Clearance System, nakita sa E-Warrant System ang kanyang pangalan na may nakabinbin na kasong paglabag sa Article 310 ng Revised Penal Code (Qualified Theft) na isinampa pa noong 2022.

May kaukulang piyansang P40,000.00 para sa kanyang pansamantalang paglaya. (Margie Bautista)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here