Home METRO 27 lugar tustado sa ‘peligrosong’ damang-init nitong Lunes

27 lugar tustado sa ‘peligrosong’ damang-init nitong Lunes

(c) Crismon Heramis

MANILA, Philippines – Nagtala ang Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) ng “peligrosong” damang-init o heat index sa 27 lugar nitong Lunes, Hunyo 10.

Ang pinakamataas na heat index ng araw na naitala ng PAGASA ay 47 degrees Celsius (°C) sa Baler (Radar), Aurora. Sinundan ng 46°C sa Virac (Synop), Catanduanes at Roxas City, Capiz.

Naramdaman ang 45°C heat index sa Sangley Point, Cavite, at Catarman, Northern Samar.

Ang Dagupan City, Pangasinan; CLSU Muñoz, Nueva Ecija; Casiguran, Aurora; Alabat, Quezon; Daet, Camarines Norte; Legazpi City, Albay; at Dipolog, Zamboanga Del Norte ay nakaranas naman ng 44°C na heat index.

Naranasan naman ang heat index na 43°C sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Pasay City, Metro Manila; Bacnotan, La Union; Tuguegarao City, Cagayan; ISU Echague, Isabela; Infanta, Quezon; San Jose, Occidental Mindoro; Virac (Synop), Catanduanes, Masbate City, Masbate; at Siquijor, Siquijor.

Samantala, umabot sa 42°C ang temperatura sa Science Garden Quezon City, Metro Manila; Laoag City, Ilocos Norte; Aparri, Cagayan; Iba, Zambales; Ambulong, Tanauan Batangas; Coron, Palawan; at Cuyo, Palawan.

Ang PAGASA ay nag-uuri ng heat index sa loob ng antas ng panganib kung ito ay mula 42°C hanggang 51°C. RNT