Home NATIONWIDE P63M combined lotto jackpots ‘di natumbok!

P63M combined lotto jackpots ‘di natumbok!

MANILA, Philippines – Hindi napanalunan ang alinmang major jackpot lotto draw nitong Lunes, Hunyo 10, 2024.

Walang bettor ang nakahula nang tama ng tamang kumbinasyon para sa Grand Lotto 6/55 at Mega Lotto 6/45, na iginuhit ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Ang winning combination sa Grand Lotto 6/55 ay 35-06-04-32-48-28 na may jackpot prize na P33,597,027.40.

Habang ang winning digits para sa Mega Lotto 6/45 ay 16-35-11-31-21-44 na may P29,589,245.40 jackpot prize naman. RNT