Home HOME BANNER STORY Teves pinalaya pero muling inaresto sa Timor Leste

Teves pinalaya pero muling inaresto sa Timor Leste

TIMOR LESTE – Matapos na palayain ay muling inaresto sa nasabing bansa ang dating mambabatas na si Arnolfo Teves, Jr.

Nilinaw ni Department of Justice spokesperson Assistant Secretary Mico Clavano na ang pagpapalaya mula sa Becora Prison at muling pag-aresto kay Teves ng Polícia Nacional ng Timor-Leste ay bahagi lamang ng proseso ng kanilang pamahalaan.

Iginiit ng DOJ na matagal nang naisumite ng kagawaran ang lahat ng kinakailangan na dokumento sang-ayon sa batas ng Timor Leste.

Taliwas ito sa unang sinabi ng legal counsel ni Teves na si Ferdinand Topacio na pumalpak ang gobyerno ng Pilipinas kung kaya idineklarang iligal ang pagdetene sa dating mambabatas.

Tinawag ni Clavano na ireponsable at panlilinlang ang pahayag ni Topacio. Isa rin aniya itong insulto sa Pilipinas at sa Timor-Leste.

“He ought to know that while he owes fealty to his client, he remains an officer of the court and must act accordingly to maintain its majesty and integrity,” giit ni Clavano.

Kumpiyansa ang DOJ na mapapabalik na agad sa bansa si Teves para harapin ang mga kasong murder na isinampa laban sa kanya. Teresa Tavares