Home NATIONWIDE 28 kaso isinampa ng DENR vs illegal structures, negosyo sa El Nido

28 kaso isinampa ng DENR vs illegal structures, negosyo sa El Nido

3
0

MANILA, Philippines — Nagsampa ang Department of Environment and Natural Resources (DENR)-Mimaropa ng apat pang environmental complaints laban sa mga establisimyentong umano’y lumalabag sa batas sa loob ng El Nido Managed Resource Protected Area (ENMRPA), dahilan upang umabot na sa 28 ang kabuuang reklamong inihain sa Palawan.

Ayon kay Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO) Palawan Officer-in-Charge Felizardo Cayatoc, ang mga bagong kaso ay inihain sa Provincial Prosecutor kaugnay ng umano’y paglabag sa Republic Act 7586, na inamyendahan ng Republic Act 11038 o Expanded National Integrated Protected Areas System (E-NIPAS) Act of 2018.

“Itong 4 environmental complaints, karagdagan ito dun sa nai-file na namin sa provincial prosecutor kaya 28 na dito sa (These four environmental complaints are in addition to those previously filed at the provincial prosecutor, so it’s now 28 here in) Palawan,” ani Cayatoc.

Kabilang sa mga alegasyon ang pananakop sa protected areas, pagtatayo ng mga istruktura, at pagpapatakbo ng negosyo nang walang kinakailangang permit at environmental clearance.

“Particularly on the prohibition of occupation of protected areas, walang permiso or permit from the DENR at nag-occupy sila and then nag-construct ng (they do not have a permit and yet they occupied and constructed) structure,” aniya.

Binigyang-diin ni Cayatoc na hindi sapat ang business permit mula sa lokal na pamahalaan upang magtayo o magnegosyo sa loob ng protected areas. Aniya, kailangan pa ring kumuha ng clearance mula sa DENR at mga awtoridad ng protected area.

“May mga certain na document, kasi kumuha ng business permit, pero hindi kasi appropriate yan especially kung yan nga protected area, dapat may clearance at ma-determine doon kung allowed talaga yung business mo or development mo na nilalagay sa lugar,” dagdag niya.

Isa sa mga reklamong inihain ay may kaugnayan din sa umano’y paglabag sa Revised Forestry Code dahil sa ilegal na pagputol ng puno at pagproseso ng kahoy nang walang permit.

“May mga ganyan na case na nagputol ng walang permit or hindi sila nag-secure ng permit from the DENR. It’s a violation also,” sabi ni Cayatoc.

“May mga ganyan po na isang case na nagputol na walang permit. Nagputol siya ng kahoy,” dagdag pa niya.

Ayon pa kay Cayatoc, may ilang lumalabag na nagsasagawa ng kanilang aktibidad sa gabi upang hindi matuklasan.

“Ginagawa nila sa gabi so tinatago talaga,” aniya.

Sinabi ng DENR na nagsisimula ang pagpapatupad ng batas sa pamamagitan ng monitoring, paglalabas ng Notices of Violation at Cease and Desist Orders bago isampa ang mga kaso sa piskalya. Kasalukuyang sinusuri ng Provincial Prosecutor ang lahat ng 28 reklamo upang matukoy kung may probable cause laban sa mga respondent. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here