Home NATIONWIDE PNP, hinikayat mga mamamahayag na humingi ng proteksyon laban sa mga banta

PNP, hinikayat mga mamamahayag na humingi ng proteksyon laban sa mga banta

1
0

MANILA, Philippines — Hinikayat ng Philippine National Police (PNP) ang mga mamamahayag na nakatatanggap ng pagbabanta o nakararanas ng pananakot na agad makipag-ugnayan sa mga awtoridad upang mabigyan ng kaukulang proteksyon, kasunod ng tangkang pagpatay sa isang broadcaster sa Capiz.

Ayon kay PNP chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., maaaring lumapit ang mga mamamahayag sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya o sa Regional Public Information Office para sa security assessment at iba pang kinakailangang hakbang sa seguridad.

“I urge those who have received threats or feel intimidated to immediately coordinate with your local police stations or the Regional Public Information Office so we can provide the necessary security assessments and protection without delay,” ani Nartatez.

Ang panawagan ay ginawa matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek ang sasakyan ni Jay Lavapiez, 48, na mas kilala bilang “Papang Jay” at station manager ng Baskog Radyo, habang papunta ito sa istasyon sa Barangay Cagay noong Lunes ng umaga.

Apat na bala ang tumama sa sasakyan ni Lavapiez ngunit hindi siya nasugatan. Ayon sa pulisya, nagpapakita ang mga pangyayari na may layuning patayin ang broadcaster.

Sinabi ni Nartatez na inatasan na niya ang Police Regional Office-Western Visayas (PRO-6) at ang Capiz Police Provincial Office na magsagawa ng masusing imbestigasyon upang matukoy ang salarin at motibo sa likod ng insidente.

“I have directed the Police Regional Office 6 and the Capiz Police Provincial Office to conduct a swift, thorough, and evidence-based investigation to identify and hold the perpetrators of this attack accountable,” dagdag niya.

Bumuo na rin ang PRO-6 ng isang special investigation team upang alamin kung may kaugnayan ang pag-atake sa trabaho ni Lavapiez bilang broadcaster o kung ito ay may personal na motibo. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here