Home NATIONWIDE 28 sako ng shabu napadpad sa baybayin ng Pangasinan

28 sako ng shabu napadpad sa baybayin ng Pangasinan

MANILA, Philippines – Nasa kabuuang 28 sako na naglalaman ng hinihinalang shabu ang nasabat sa dalampasigan ng Pangasinan mula Hunyo 5 hanggang 6, ayon sa Coast Guard District Northwestern Luzon nitong Sabado, Hunyo 7.

Dagdag ito sa P1.17 bilyong shabu na natagpuan ng mga mangingisda na nakasilid sa pitong sako.

Ayon sa Coast Guard district, mahalaga ang tulong ng mga mangingisda sa pagsusumbong sa kanila ng kahina-hinalang mga lumulutang na package.

“The latest finds came from a combination of Coast Guard maritime patrols and swift reporting of fisherfolk, who have been instrumental in ensuring the safe turnover of these contrabands,” pahayag pa ng ahensya.

Pinuri ng mga awtoridad ang “continued vigilance and cooperation of the local fishing community” na nakatutulong sa pagpigil sa posibleng maritime drug trafficking activity.

Ani Capt. Mark Larsen Mariano, district commander, nagpapatuloy ang pinaigting na coastal security patrol at community engagements para palakasin ang mga residente ng coastal barangays na matunton ang mga kahina-hinalang sea activities.

“Residents and fishermen are continuously being reminded that possession or tampering with suspicious packages could lead to criminal charges and discovery of such items should be immediately reported to the nearest PCG unit,” giit pa.

“The investigation remains ongoing to determine the source and intended recipients of the recovered illegal drugs.” RNT/JGC