Home NATIONWIDE $2M suhol sa ICC, itinanggi ni Trillanes

$2M suhol sa ICC, itinanggi ni Trillanes

165
0

MANILA, Philippines – Mariing itinanggi ni dating senador Antonio Trillanes IV ang alegasyong tumanggap siya ng $2 milyon upang suhulan ang International Criminal Court (ICC) kaugnay ng pagdinig sa kasong crimes against humanity laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Si Trillanes, na naghain ng supplemental complaint laban kay Duterte noong 2017, ay itinanggi ang paratang ng 18 umano’y “ex-Marines” na lumabas habang ginaganap ang confirmation of charges hearing ng ICC Pre-Trial Chamber.

“I vehemently and categorically deny na meron akong natanggap na $2 million or any amount galing kay Zaldy Co for ICC operations or kung ano man dahilan. Hindi nangyari ‘yan at hindi totoo ‘yan,” ani Trillanes sa panayam sa ANC Headstart.

Nilinaw ng Philippine Navy na apat sa 18 ang hindi kailanman naging miyembro ng Marines o Navy at karamihan sa mga ito ay dishonorably discharged.

Tinawag ni Trillanes na “completely absurd” ang alegasyon at kinuwestiyon ang lohistik nito.

“2 million daw binigay sa akin para pansuhol sa ICC. Na-imagine ba nila paano ilalabas ‘yun?” aniya.

“Saan ilalagay, sa maleta? Kung para ‘yun dito, why convert it to dollars kung dito gagastusin? It doesn’t make sense.”

Ayon sa kanya, “highly malicious and highly suspicious” ang timing ng paratang at layuning siraan ang ICC habang may pagdinig. Aniya, ilang buwan nang pinag-uusapan ang isyu ng maleta at flood control scandal ngunit walang binabanggit noon tungkol sa ICC payoff.

“Inuna nila ‘yung ICC…The intention was to discredit the integrity of the ICC hearings.”

Sinabi rin niya na may impormasyon siyang gagamitin umano ni defense counsel Nicholas Kaufman ang alegasyon upang humiling ng mistrial. “Gagawin nila lahat ng dirty tricks.”

Dagdag niya, hindi na kailangan ng suhol batay sa mga presentasyon ng ICC prosecutors tungkol sa extrajudicial killings at mga pahayag ni Duterte noon.

“Kailangan pa bang suhulan? We all saw and heard what happened nung panahon ni [Duterte]…Hindi mo kailangang suhulan ang mga ito para gawin ang trabaho nila.” RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here