Home METRO 3-anyos tigok sa sunog sa Cebu

3-anyos tigok sa sunog sa Cebu

3
0

CEBU — Patay ang isang tatlong taong gulang na bata matapos masunog ang kanilang bahay sa Argao, Cebu nitong Miyerkules ng umaga.

Ayon sa Argao Police Station, naiwan umano ang bata sa kanilang bahay sa Sitio Sibuyan, Barangay Upper Canjue at naglalaro ng lighter bago sumiklab ang sunog.

“Allegedly naglalaro ng lighter na siyang dahilan ng sunog,” ayon kay Police Capt. Eden Rex Baguio, hepe ng Argao police.

Mabilis umanong kumalat ang apoy dahilan upang ma-trap ang bata sa loob ng bahay.

Hindi na naabutang buhay ng mga rumespondeng bumbero ang biktima.

Naapula ang sunog makalipas ang halos isang oras.

Tinatayang nasa P10,000 ang halaga ng pinsala sa nasunog na bahay.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang sanhi ng insidente. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here