Home METRO 3 arestado sa sinalakay na drug den

3 arestado sa sinalakay na drug den

QUEZON- Arestado ang tatlong kalalakihang high value individual (HVI) matapos salakayin ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang drug den sa Lucena City ng probinsyang ito.

Nakakulong ngayon sa lock-up cell ng PDEA Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) ang tatlong suspek na hindi pinangalanan.

Nakuha sa mga suspek ang 10 gramo ng hinihinalang shabu, na nagkakahalaga ng P68,000 at iba’t ibang klase ng drug-sniffing paraphernalia.

Batay sa report, bandang alas-4:10 ng madaling araw noong Huwebes nadakip ng ang mga suspek sa Barangay Dalahican ng nasabing lungsod.

Sinabi ng pulisya, nakatanggap sila ng report hinggil sa talamak na bentahan ng ilegal na droga sa iba’t ibang lugar ng naturang probinsya.

Inilatag ng mga awtoridad ang drug buy-bust operation laban sa mga suspek na nagresulta sa pagkakadakip sa mga ito at kasalukuyan silang nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Mary Anne Sapico