Home METRO 3 babaeng nagja-jogging sapul ng pickup truck, 1 patay

3 babaeng nagja-jogging sapul ng pickup truck, 1 patay

187
0

MANILA, Philippines- Patay ang isang 53-anyos na babaeng nagjo-jogging nang mabangga ng isang pickup truck sa Bacolod City, habang sugatan naman ang dalawa niyang kasamang mga babae rin.

Batay sa ulat, naganap ang insidente sa Barangay Tangub nitong Martes ng umaga.

Iniulat ni Police Lieutenant Colonel Ramel Sarona, Traffic Management Unit (TMU) head, na nagjo-jogging ang mga biktima at tumigil saglit sa daan upang kumuha ng mga larawan subalit nasapul sila ng pickup truck na minamaneho ni Fernando Oquina, 59, na ikinasawi ng biktima.

Giit ni Oquina, hindi niya napansin ang mga biktima.

Balak ng mga kamag-anak ng biktima na kasuhan si Oquinna. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here