PUERTO PRINCESA CITY, Palawan — Tatlong college student ang nasawi matapos mabangga ng kanilang sinasakyang motorsiklo ang isang oil tanker truck sa Puerto Princesa City nitong Martes ng madaling araw, Agosto 25.
Isinugod pa sa ospital ang tatlong estudyante ngunit idineklarang dead on arrival.
Batay sa paunang imbestigasyon ng mga awtoridad na iniulat sa Balitanghali, nag-overshoot umano ang motorsiklo at napunta sa linya ng kasalubong na oil tanker truck, dahilan upang magbanggaan ang dalawang sasakyan.
Makikita rin umano sa kuha sa lugar ang biglang paghinto ng tanker kasunod ng insidente.
Patuloy pang inaalam ang iba pang detalye at pangyayari bago ang banggaan.
Hindi pa rin nakukuha ang pahayag ng driver ng oil tanker hinggil sa insidente. Mary Anne Sapico