Home NATIONWIDE VP Sara walang planong magbitiw sa puwesto — Poa

VP Sara walang planong magbitiw sa puwesto — Poa

1
0

MANILA, Philippines — Walang planong magbitiw sa puwesto si Vice President Sara Duterte sa gitna ng nagpapatuloy na impeachment trial laban sa kanya, ayon sa kanyang defense spokesperson na si Atty. Michael Poa.

“Hindi po. I think I can answer that categorically. Hindi namin pinag-uusapan ng vice presidente iyan,” ani Poa sa press conference nitong Miyerkules, Agosto 26.

Ayon sa abogado, matagal nang nakikita ng defense team ang resignation bilang isa sa mga posibleng legal na opsyon ngunit hindi umano ito isinasaalang-alang ni Duterte sa kasalukuyan.

“The vice president has no plans of resigning as I speak now,” ani Poa, sabay banggit sa mahigit 32 milyong botanteng sumuporta kay Duterte noong 2022 elections.

Patuloy namang dinidinig ng Senate impeachment court ang mga alegasyon laban sa Bise Presidente, kabilang ang umano’y maling paggamit ng confidential funds.

Kasalukuyang nakatuon ang prosecution sa Article I ng impeachment case, partikular sa umano’y maling paggamit ng P112.5 milyong confidential funds ng Department of Education noong nanunungkulan si Duterte bilang kalihim ng ahensya.

Nakatakda ring iharap ng prosecution si Poa bilang testigo sa Setyembre 2. Nagsilbi siyang chief of staff at spokesperson ni Duterte noong ito ay DepEd secretary bago naging bahagi ng kanyang defense team sa impeachment trial. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here