Home HOME BANNER STORY 3-day nationwide transport strike vs korapsyon, umarangkada na

3-day nationwide transport strike vs korapsyon, umarangkada na

322
0

MANILA, Philippines – Sinimulan ng transport group na Manibela ang tatlong araw na nationwide strike nitong Miyerkoles, Setyembre 17, 2025, bilang protesta laban sa umano’y anomalya sa mga flood control project ng gobyerno.

Pinangunahan ni Mar Valbuena, pangulo ng Manibela, ang pagtitipon ng mga miyembro sa Philcoa, Commonwealth Avenue sa Quezon City bandang alas-7 ng umaga.

Aniya, “Sa bawat buwis na inaambag natin mula sa fuel pa lamang…bawat litro ng langis na kinakarga natin sa ating sasakyan, may kaakibat itong value added tax at excise tax na saan P500 a day, P15,000 sa isang buwan, P180,000 sa isang taon ang inaambag natin sa kaban ng bayan.”

Dagdag pa niya, “Pero anong ginagawa ng mga kontraktor na ito at mga opisyales ng gobyerno? Pinagka-casino lang. Pinangangalandakan yung kanilang mga luho na galing sa nakaw, sa pera ng taumbayan.”

Kasabay nito, nanawagan ang grupo na ibalik ang limang taong prangkisa ng mga tradisyunal na jeepney sa ilalim ng modernization program.

Nakatakda ring magsagawa ng sariling strike laban sa korapsyon ang isa pang grupo, ang Pistom, sa Huwebes.

Inutusan naman ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang imbestigasyon sa flood control projects, kung saan nagsimula na rin ang mga pagsisiyasat ng ilang ahensya ng gobyerno, Senado, at Kamara. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here