Home HOME BANNER STORY 3-day transport strike ng Manibela, umarangkada na

3-day transport strike ng Manibela, umarangkada na

255
0

MANILA, Philippines – Nagsimula na ang tatlong-araw na welga ng transport group na Manibela, Martes, bilang protesta laban sa umano’y labis na parusa, hindi pag-renew ng franchise, at payola system sa Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

(c) Danny Querubin

Nagtipon ang mga miyembro sa 19 strike centers, kabilang ang Philcoa sa Quezon City at Nagtahan sa Maynila.

Ayon sa grupo, naapektuhan ng mga patakarang ito ang kabuhayan ng mga drayber.

Naganap ang welga kasabay ng unang araw ng pasukan at trabaho matapos ang holiday, kaya ang ilan sa mga pasahero ay maagang umalis at naghanap ng alternatibong transportasyon.

Nag-deploy ang pamahalaan ng mga tauhan sa mga pangunahing lugar upang pamahalaan ang trapiko at tulungan ang mga pasahero. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here