MANILA, Philippines – Tatlo na ang naitalang nasawi dahil sa dengue sa Zamboanga City Medical Center.
Iniulat ng City Health Office na bukod sa tatlong nasawi, ay mayroon pang 38 ang na-confine sa naturang ospital.
Ayon kay ZCMC Public Information Officer Dr. Shadrina Sarapuddin, dengue ang pangunahing dahilan ng mga dinadalang pasyente sa ospital.
Dahil sa pagtaas ng kaso ng dengue ay nagsasagawa na ang mga tauhan ng CHO ng vector-borne disease prevention at control activities, katulad ng fogging, entomological surveys, at community mobilization sa pagpapatupad ng 4S strategy.
Kabilang sa 4s strategy ay ang “Search and destroy breeding sites, Self-protection measures, Seek early consultation, and Support fogging and spraying.”
Naitala ng CHO ang 524 kaso ng dengue na may pitong nasawi mula pa noong Enero 2023. RNT/JGC