Home METRO 3 klasrum nilamon ng apoy!  

3 klasrum nilamon ng apoy!  

TACLOBAN CITY- Winasak ng sunog ang tatlong silid-aralan sa Mapuyo Elementary School sa Barangay Mapuyo, Kawayan, Biliran nitong Sabado.

Napansin ng isang residente ang usok mula sa isa sa mga silid-aralan bandang alas-3 ng madaling araw at agad na ipinagbigay-alam sa mga kapitbahay ang sunog nang makumpirma ito.

Kalaunan, naobserbahan niya na nawala ang apoy at inakalang may nag-ulat na ng insidente sa Bureau of Fire Protection sa Kayawan.

Subalit, pagbalik niya makalipas ang ilang minuto, kumalat na ang apoy sa mga kalapit na silid-aralan.

Naapula ang sunog pagsapit ng alas-6:27 ng umaga.

Tinatayang aabot sa P1.7 milyon ang naiwan nitong pinsala, habang wala namang naitalang biktima mula sa insidente.

Ani Gov. Gerard Espina, nasuri na nila ang pinsala at natukoy ang mga materyal na kailangan sa pagkumpuni sa mga silid-aralan.

“Uso po sunog ngayong March. Kailangan din nating siguraduhin na ang mga eskwelahan natin ay merong mga fire extinguishers para maiwasan ang ganitong trahedya,” dagdag niya. RNT/SA

Previous articleP2.845B investments aprubado para sa buwan ng Marso
Next articlePagbabawal sa Filipino dubbing ng English programs pinalagan ng KWF