Home METRO 3 patay, 4 sugatan sa sunog

3 patay, 4 sugatan sa sunog

MANILA, Philippines- Kumpiramdong tatlo ang iniulat na patay sa sunog sa residential area sa Tondo, Maynila nitong Huwebes ng hapon.

Sa impormasyon mula sa Bureau of Fire Protection(BFP), dalawang senior na mag-asawa at kanilang anak ang na-trap sa loob ng kanilang bahay matapos na hindi makalabas dahil na rin sa katandaan at hirap nang lumakad.

Ala-1:22 ng hapon nang magimula ang sunog sa two-storey residential structure sa R.A. Reyes St., sakop ng Barangay 58, Zone 5 Tondo.

Inakyat sa ikalawang alarma ang sunog at idineklarang fire out pagsapit ng alas-2:41 ng hapon.

Ang mag-asawang biktima ay nasa edad 70 at 78 habang 45-anyos naman ang kanilang anak.

Samantala, sugatan ang tatlong fire volunteer at isang sibilyan sa insidente.

Nasa 18 pamilya ang apektado sa sunog o 54 indibidwal ang nawalan ng bahay habang umaabot sa P800,000 ang pinsala sa pagliyab na nagsimula sa bahay ni Loreta Flores. Jocelyn Tabangcura-Domenden