MANILA, Philippines – SWAK sa selda ang tatlong lalaki matapos maaktuhan ng mga pulis na sumisinghot ng shabu sa Caloocan City.
Ayon kay Caloocan Police chief P/Col. Ruben Lacuesta, habang nagsasagawa ng police visibility ang mga tauhan ng Hillcrest Police Sub-Station 8 sa nang isang concerned citizen ng biglang lumapit at ipinaalam sa kanila ang hinggil sa nagaganap umanong pot-session sa gilid ng tulay sa Camarin Road, Brgy. 172.
Agad pinuntahan ng mga pulis ang naturang lugar kung saan naaktuhan nila ang tatlong kalalakihan na abala umano sa pagsinghot ng shabu dakong alas-11:50 ng gabi na nagresulta sa pagkakaaresto sa kanila.
Nakumpiska sa mga suspek na sina alyas “Jojo”, “Nonoy” at “Tunying” ang isang nakabukas na plastic sachet na may laman ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P2,720 at ilang drug paraphernalias.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. R.A Marquez