Home METRO 3 sugatan sa sunog

3 sugatan sa sunog

MANILA, Philippines- Sugatan ang tatlong indibidwal kabilang ang isang fire volunteer nang masunog ang mga kabahayan sa Quirino St. corner Herbosa Street, Tondo, Manila.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), kapwa nagtamo ng first-degree burn ang 34-anyos na lalaki at 38-anyos na babae habang nahiwa naman ang kamay ng 20 taong gulang na Moriones Fire and Rescue volunteer.

Nagsimula ang sunog ng alas-10 ng gabi noong Biyernes na  umabot sa ikalawang alarma.

Makalipas ang mahigit isang oras, naapula ang sunog na nagresulta sa 100 displaced families na binubuo ng 200 indibidwal.

Sinubukan namang balikan ng mga residente ang kanilang nasunog na bahay nitong Sabado ng umaga sa pag-asang may mga mapakikinabangan pa.

Pansamantalang nanunuluyan ang mga nasunugan sa barangay covered court habang iniimbestigahan pa rin ang sanhi ng pagsiklab ng sunog at ang kabuuang halaga ng pinsala. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articlePPA handa na para sa Semana Santa
Next articleBI, CFO sanib-pwersa sa ‘real time, accurate data’ sa migration