Home METRO 3 Terorista sumuko sa Marines

3 Terorista sumuko sa Marines

MAGUINDANAO DEL NORTE, Philippines – Tatlong terorista ang sumuko at nagsauli ng high-powered weapons sa Marines nitong Miyerkules, Hulyo 2.

Dalawa sa suspek ay kabilang sa paksyon ng Islamic State-inspired Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa ilalim ng Kagi Karialan, samantalang ang isa ay sa Dawlah Islamiyah (DI) – Hassan Group.

Dinala nila sa Second Marine Battalion Landing Team (MBLT-2) sa Barangay Nituan ang dalawang 60mm mortal tubes at isang rocket-propelled grenade launcher na may isang live ammunition.

Ayon kay Lt. Col. John dela Cruz, MBTL-2 commanding officer, sumuko ang mga ito dahil sa pagod sa labanan, pressure mula sa pamilya, at takot sa patuloy na operasyon ng militar.

Ayon pa dito, ang tatlong sumuko ay idadaan sa reintegration procedures upang makatanggap ng government-supported livelihood assistance. Ang bawat isa ay nakatanggap ng cash assistance at grocery package mula sa MBTL-2 na sinuportahan ng iba’t ibang stakeholders.

“What we had witnessed here today is a guarantee that we are opening our arms to our fellow countrymen who were lost but slowly finding their way back onto the path of peace,” saad ni Brig. Gen. Romulo Quemado, commander 1st Marine Brigade. Dagdag pa nito na isa itong malaking hakbang tungo sa pagtatapos ng dekadang hidwaan sa Bangsamoro region. RNT/MND