Home NATIONWIDE 3 testigo sa alegasyon sa confidential funds, pinadalhan na ng subpoena

3 testigo sa alegasyon sa confidential funds, pinadalhan na ng subpoena

1
0

Manila, Philippines – Pinayagan na at pinadalhan ng subpina ng impeachment court ang tatlong testigo para sa alegasyon ng  diumano’y paglustay ni Vice President Sara Duterte sa confidential funds, mga kwestyunableng pirma at Commission on Audit (COA) findings.

Kabilang sa tatlong testigo na paunang magbubukas ng article 1 ay sina  Marivic Pareja ng House Legislative Archives Museum Management Service, dating Land Bank Shaw Boulevard branch manager Violeta Constantino, at dating Land Bank DepEd branch manager Nenita Camposano.

Sinabi ni Bicol Saro Partylist Rep. at House Prosecutor Terry Ridon na inaasahang ang tatlo ay magpapakita ng mga ebidensya ukol sa confidential funds at iba pang dokumento kaugnay sa naturang alegasyon.

Kabilang din sa ipipresenta ng prosekusyon sa susunod na linggo si National Bureau of Investigation Director Melvin Matibag bilang panghuling testigo para sa impeachment article kaugnay sa diuano’y  pagbabanta ni VP Sara kina President Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Marcos at dating House Speaker Martin Romualdez.

“Pag-uusapan ho dito ‘yung Mary Grace Piattos, Milky Sikuya, at iba pa hong mga pangalan na kumuha, tumanggap ng confidential funds mula sa [OVP]. Ilalahad din po doon ‘yung PSA report kung saan sinasabi that these particular personalities do not actually exist. They were never born, they were never married, they had never died in the Philippines,” ani Ridon.

Sa ngayon ay naninindigan ang prosekusyon na may kapangyarihan ang impeachment court na isubpina ang financial at tax records ni VP Sara at ng asawa nit na si Atty. Manases “Mans” Carpio dahil kailangan aniya ang mga dokumentong upang maisiwalat ang katotohanan sa pagdinig.

“Pwede ho itong gawin ng Senate impeachment court in pursuance of its constitutional power para ho mag-subpoena ng mga dokumento at hanapin ang katotohanan sa mga kaso ng pananagutan katulad po ng impeachment.”

Ang pahayag ay ginawa ni Ridon sa isang press conference bago ang inaasahang pagtalakay ng mga   senator-judges sa mosyon ng prosekusyon na padalhan din ng subpina  ang bank records ng mag-asawa, maging ang mga dokumento mula sa Bureau of Internal Revenue (BIR) at Anti-Money Laundering Council (AMLC).

Giit ni Ridon  na wala aniyang dapat pagtalunan dito dahil sa impeachment proceedings ay kinikilala ang exception sa Bank Secrecy Law.

“Una, wala ho tayong debate doon sa bank accounts dahil ito po ay malinaw na exception sa bank secrecy law, ’yung pong pagkakaroon ng impeachment trial. So tingin ko ’yan po ay malinaw sa ilalim po ng ating mga batas at Konstitusyon. Pangalawa, ’yung usapin po na AMLC documents, ang kailangan ho nating linawin doon, at hindi naman ho ’yan nakalagay sa probisyon na ipinapakita nila, hindi ho totoo ’yung absolute confidentiality of AMLC.”

Aniya, may probisyon na binanggit na rin ng depensa na nagpapahintulot sa AMLC na mag- share ng impormasyon sa iba pang ahensya ng gobyerno.

“So ibig sabihin, hindi ho totoo na absolutely hindi ho pwedeng mag-disclose ang AMLC. Ganun din po sa BIR. Kasi itong mga dokumento pong ito, in ordinary courts, hindi ho Senate impeachment court, pwede po itong ipakuha para maisubpoena so that we can achieve the truth.” (Meliza Maluntag)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here