MANILA, Philippines – Patay ang tatlong tsuper sa Pangasinan dahil sa heat stroke.
Ayon kay Bernard Tuliao, pangulo ng One Pangasinan Transport Federation, ang dalawa sa mga nasawi ay miyembro ng kanilang grupo na may rutang Calasiao-Dagupan.
Ang ikatlo naman ay bumibiyahe sa silangang bahagi ng Pangasinan.
Ani Tuliao, ang unang nasawi ay noong Abril dahil sa mataas na blood pressure dulot ng mataas na heat index.
Nagpaabot na ng tulong sa pamilya ng tatlong biktima. RNT/JGC