Home NATIONWIDE 350 PDLs sa Manila City Jail nagtapos ng vocational course

350 PDLs sa Manila City Jail nagtapos ng vocational course

MANILA, Philippines – Kabuuang 350 Persons Deprived of Liberty (PDL) ang nagtapos ngayong araw, Marso 10 sa Manila City Jail Male Dormitory.

Ang mga magsisipagtapos na PDLs ay kumuha ng kursong NC II Tile Setting at NC II Hilot Wellness sa ilalim ng TESDA-Certified Vocational Courses.

Ginanap ang isang graduation ceremony umaga ng Lunes sa nasabing dormitoryo.

Sa mga nagtapos, 200 PDL ang nakatapos ng 15-araw ng kursong Tile Setting, habang 150 PDL ang nakatapos ng 18-araw na Hilot Wellness program na pinangasiwaan ng TechVoc Skills Inc.

Ang mga kursong ito, na nagsimula noong Hulyo 31, 2024, ay parehong may written at practical evaluations upang matiyak ang kakayahan bago ang sertipikasyon.

Patuloy na pinapalakas ni City Jail Warden SUPT Lino M. Soriano ang pakikipagtulungan sa mga ahensya upang mabigyan ang mga PDL ng mahahalagang kasanayan, na tumutulong sa kanila na maghanda para sa muling pagsasama sa lipunan.

Maaari ring ilapat ng mga nagtapos ang kanilang kadalubhasaan sa One-Stop-Shop ng kulungan habang hinihintay ang kanilang paglaya. Jocelyn Tabangcura-Domenden