MANILA, Philippines- Nagresulta ang 2024 Bar examination sa 3,962 bagong abogado sa bansa, na kumakatawan sa passing rate na 37.84 porsyento.
Inanunsyo ng Supreme Court ang resulta ng ika-apat na digitalized exam nitong Biyernes, Disyembre 13.
May kabuuang 10,490 examinees sa buong bansa ang nakakumpleto ng Bar tests noong Setyembre 8, 11, at 15. Ang Bar Committee Chairman ngayong taon ay si Associate Justice Mario Lopez.
Para sa 2024 Bar, ang Supreme Court haay mayroong 13 local testing centers sa buong bansa: anim na paaralan sa National Capital Region (NCR), dalawang sa Luzon, tatlo sa Visayas, at dalawa sa Mindanao. RNT/SA