Home NATIONWIDE Pamimigay ng land titles, loan condonation certificates sa 4,000 magsasaka pinangunahan ni...

Pamimigay ng land titles, loan condonation certificates sa 4,000 magsasaka pinangunahan ni Tol

Pinangunahan ni Senador Francis 'TOL' Tolentino ang paggawad ng land titles at certificates of loan emancipation sa libu-libong agrarian reform beneficiaries mula sa Northern Mindanao sa seremonyang ginanap sa Bukidnon Sports Complex sa Malaybalay City. Sinabi ni Tolentino na ang pamamahagi ng mga sertipiko ay sumisimbolo sa pangako ng pamahalaan na makamit ang hustisya sa agraryo at pag-unlad ng agrikultura.

MALAYBALAY City, Bukidnon – Pinangunahan ni Senator Francis ‘TOL’ Tolentino ang paggawad ng mga titulo ng lupa at certificate of loan condonation sa libu-libong agrarian reform beneficiaries sa Bukidnon Sports Complex nitong lungsod. 

Personal na iniabot ni Tolentino ang Certificate of Land Ownership Awards (CLOAs) sa 4,029 magsasaka na mula sa iba’t ibang lokalidad sa Northern Mindanao, kabilang ang Bukidnon, Camiguin, Lanao Del Norte, at Misamis Occidental.

Ang mga lupang agraryo na sakop ng CLOAs at e-titles ay umabot sa 6,105 ektarya, habang ang Certificates of Condonation with Release of Mortgage (COCROMs) ay nagbubura sa mga pautang na nagkakahalagang P327.98 milyon. 

“These certificates are a testament to the decades of hard work that you have put in to cultivate and make your farmlands productive,” sabi ni Tolentino sa mga magsasaka matapos maging panauhing pandangal sa kaganapan.

“Meanwhile, the condoning of loans shows the government’s concern for our farmers, and the commitment of the current administration to achieve agrarian justice and growth for the agriculture sector,” dagdag niya.

Ang pamamahagi ng mga CLOA, COCROM, at e-title sa mga magsasaka sa buong bansa ay isang priority program ng administrasyong Marcos, alinsunod sa Republic Act 11953, ang New Agrarian Reform Emancipation Act.

Kasama ni Tolentino sa seremonya ang mga lokal na executive sa pangunguna ni Gobernador Rogelio Roque ng Bukidnon, serious leaders mula sa rehiyon, gayundin ang mga opisyal ng Department of Agrarian Reform (DAR). RNT