Home NATIONWIDE ‘The Truth, the whole truth,’ titindigan ni Cayetano para sa corrupt-free Philippines

‘The Truth, the whole truth,’ titindigan ni Cayetano para sa corrupt-free Philippines

1
0

MANILA, Philippines – Paninindigan ni Senate President Alan Peter Cayetano ang patuloy na pagsusulong sa “buong katotohanan” sa likod ng pang-aagaw sa liderato ng Senado at ng flood control scandal kahit pa may kapalit ito sa kanyang panig, alang-alang sa isang Pilipinas na malaya sa katiwalian.

“Ang ating kalayaan ay may cost,” aniya sa isang Facebook livestream nitong June 12, 2026, Araw ng Kalayaan.

“‘Pag lumaban ka ngayon, may cost. Aapihin ka. Dudurugin ka sa media at social media. Kakasuhan ka. Baka ikulong ka pa,” dagdag niya.

Matatandaang paulit-ulit nang nagbabala si Cayetano na ang mga kaguluhan mula nang maupo siyang Senate President ay bahagi ng pagtatangkang agawin ang liderato ng Senado mula sa kanya upang kontrolin ang Blue Ribbon Committee at pagtakpan ang buong katotohanan sa flood control scam.

Makailang beses niya ring ibinunyag na may mga senador mula sa kanyang bloc na tinatakot ng ilang taga-administrasyon na kakasuhan kung hindi lilipat sa kabilang bloc.

Hindi nga nagtagal, inaresto sa loob ng Senado dahil sa umano’y kasong graft si Senador Jinggoy Estrada kasunod ng public statement nitong mananatili siya sa Cayetano bloc.

Sa kabila ng mga ito, sinabi ni Cayetano na patuloy siyang maninindigan para sa isang “independent na Senado” na “hindi utus-utusan lang ng Malacañang.”

“We cannot turn over to you a corrupt-free Philippines ‘kapag hindi tayo lumaban,” aniya.

Nangangamba ang Senate President na matindi ang magiging kapalit para sa buong bansa kung hahayaang magpatuloy ang mga “kasinungalingan” sa gobyerno at makikipagsabwatan lang sa mga nasa kapangyarihang nagpapasimuno ng kasinungalingan.

“Ang cost will be the millions of Filipinos na hindi mapapagamot kasi nanakaw y’ung panggamot or pang-hospital. Ang cost ay huli na tayo sa education. Ang cost ay y’ung millions who will have to go abroad because walang trabaho,” aniya.

“Laban lang po. We have to continue fighting. If we don’t do anything now… ang magsa-suffer nito ay ang next generation,” dagdag niya. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here