Home METRO 4 lalawigan sa Western Visayas nagpatupad ng ban laban sa ASF

4 lalawigan sa Western Visayas nagpatupad ng ban laban sa ASF

4
0

MANILA, Philippines – Pansamantalang ipinagbawal ng apat na lalawigan sa Western Visayas ang pagpasok, pagbebenta, at pagbiyahe ng mga buhay na baboy, karne ng baboy, at iba pang pork products matapos makapagtala ng mga bagong kaso ng African Swine Fever (ASF).

Ipinatupad ng Aklan, Antique, Guimaras, at Capiz ang ban sa mga produktong baboy mula sa Capiz, Negros Occidental, at maging sa Iloilo, kung saan may mga hinihinalang kaso ng ASF at naitalang pagkamatay ng mga baboy. Isinasailalim pa sa confirmatory testing ng Department of Agriculture ang mga sample mula sa Iloilo.

Layunin ng mga gobernador na pigilan ang pagkalat ng ASF sa kanilang mga lalawigan. Kabilang sa mga hakbang ang mahigpit na border checkpoints, veterinary quarantine, at pagpapalakas ng biosecurity protocols.

Nauna nang nakaranas ng ASF outbreak ang Western Visayas noong 2023 at 2024. Isa ang rehiyon sa mga nangungunang nag-aalaga ng baboy sa bansa. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here