CAVITE, Philippines – Dalawang eskuwelahan ang nakatanggap ng pagbabanta mula sa FB aacount na may sasaksakin na estudyante habang ang isa naman ay pasasabugin sa magkahiwalay na insidente sa lalawigan ng Cavite.
Ayon sa nakalap sa report, dakong ala-1:50 ng hapon nang nakatanggap ang isang guro mula sa Cavite National High School na matatagpuan sa Martinez St., Barangay 31, Cavite City ng mensahe mula sa sa Facebook account ng isang Agatha Pacho na “Sabihin mo sa Principal kapag di niya sinuspinde bukas, mananaksak ako”
Gayunman, ang nasabing eskuwelahan ay naka Modular Distance Learning (MDL) simula pa noong nakaraang Linggo malaraang ang insidenteng pananaksak kaya wala pang mga estudyanteng pumapasok ng face to face.
Ang nasabing pagbabanta at inireport na lamang sa Cavite Component City Police Station.
Kasunod nito, bandang alas-5:30 ng hapon, sa Paradahan Elementary School sa Brgy Paradahan 1, Tanza, Cavite, isang message naman mula sa Facebook account ng isang Lee Kayokran na nagsabing “may bombang iniwan ngayon sa Paradahan Elementary School sa likod ng Kinder at Grade 1. Inihagis, Ingat. Source TBS ang natanggap ng Barangay Captain ng Paradahan 1, Tanza, Cavite.
Agad namang inireport ng Barangay Captain sa Tanza Municipal Police Station na kaagad na nakipag-ugnayan sa Principal ng eskuwelahan kung saan agad na nagsagawa ng beripikasyon at imbestigasyon ang pulisya sa lugar. MARGIE BAUTISTA