Home OPINION 4 PRIORITY INFRASTRUCTURE PROJECT NAKUMPLETO NA – NEDA

4 PRIORITY INFRASTRUCTURE PROJECT NAKUMPLETO NA – NEDA

Inanunsiyo ng National Economic and Development Authority o NEDA sa publiko na may apat na priority infrastructure project ang natapos na kabilang sa kinukonsiderang infrastructure flagship projects (IFP) ng pamahalaan.
Ang apat na proyekto ang:
–  Samar Pacific Coastal Road Project (Phase 1) sa Palapag,  Northern Samar na nagkakahalaga ng Php 1.12 billion na may Grant mula sa South Korea sa pamamagitan ng Export-Import Bank of Korea.
– Integrated Disaster Risk Reduction and Climate Change Adaptation Project (Phase 1) sa Macabebe, Masantol, Minalin at Sto. Tomas, Pampanga na nagkakahalaga ng Php 7.57 billion na may Grant mula sa South Korea sa pamamagitan ng Export-Import Bank of Korea.
– Flood Risk Improvement and Management Project sa Cagayan de Oro City na nagkakahalaga ng Php 8.549 billion na may Grant mula sa Japan sa pamamagitan ng Japan International Cooperation Agency o JICA.
– Surallah-T’Boli-San Jose Road sa South Cotabato na nag­kakahalaga ng Php 3.4 billion (multi-year funded sa ilalim ng General Appropriations Act)
Mayroong 186 na proyektong nakapaloob sa IFP. Sa bilang na ito, nasa 31 ang aprubado na para sa implementasyon, lima ang naghihintay ng pag-apruba ng national government, 35 ang nasa proseso ng project preparation, at mayroong 45 na nasa pre-project preparation.
Ang mga nasa pre-project preparation ay mga proyektong sumasailalim sa pre-feasibility study para matukoy ang mga teknikalidad na pangangailangan.
Ang mga proyektong nasa listahan ng IFP ay mga prioridad ng pamahalaan na paglaanan ng pondo at i-proseso ang mga kinakailangang dokumento.
Paglilinaw ng NEDA, ang pagka-antala ng implementasyon ng maraming programa ay hindi kasalanan ng ahensiya dahil sinusuri pa nila ang mga dokumentasyon at kahalagahan ng proyekto.
May kakulangan pang mga isinusumiteng impormasyon ng mga ahensiya kaya karapat-dapat na maisaayos ang mga programa at mga kakulangan.
Hangga’t hindi umano kumpleto ang isang proyekto, hindi ito isinasama sa tinatalakay ng NEDA Board na pinangungunahan ni President Ferdinand “BBM” Marcos, Jr.