MANILA, Philippines- Nasa apat na indibidwal ang sugatan karambola ng limang sasakyan sa Bayombong, Nueva Vizcaya nitong Linggo ng umaga.
Batay sa ulat, naganap ang insidente ng alas-8:30 ng umaga, na nagdulot ng pagsisikip ng trapiko sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Barangay San Nicolas.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon, bumangga ang isang pickup truck at isa pang sasakyan patungong Manila sa isang truck at isa pang sasakyan mula sa kabilang direksyon.
Sangkot din sa insidente ang isang tricycle.
Agad dinala ang mga sugatan sa ospital habang gumugulong na ang imbestigasyon. RNT/SA