Home METRO 4 utas sa shootout sa BARMM

4 utas sa shootout sa BARMM

56
0

COTABATO, Philippines – Apat na katao, kabilang ang isang menor de edad, ang nasawi habang apat pa ang sugatan sa isang umano’y barilan na may kaugnayan sa ilegal na bentahan ng droga sa Kadayangan, Special Geographic Area (SGA) sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) noong Martes ng umaga.

Ayon sa Police Regional Office–BARMM (PRO-BAR), ang mga nasawi ay sina Musalik Balang (45), Haron Boliongan (35), Romeo Lombo, at isang 17-anyos na binigyan ng alyas na Hamz, pawang residente ng Kadayangan.

Naganap ang insidente bandang 8:00 a.m. sa Purok 4, Barangay Malingao.

Batay sa paunang imbestigasyon, nagsimula umano sa isang transaksyon ng droga sa pagitan ng dalawang grupo na nauwi sa palitan ng putok ng baril.

Sugatan naman ang apat pang indibidwal na kasalukuyang ginagamot sa ospital.

Ayon sa pulisya, ang mga sangkot ay matagal nang pinaghihinalaang may kaugnayan sa ilegal na droga, at agad na tumakas ang mga suspek matapos ang insidente.

Patuloy ang pursuit operation laban sa mga tumakas na suspek habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad.

Bumisita rin sa lugar si Kadayangan Mayor Duma Mascud upang alamin ang sitwasyon at makipag-ugnayan sa mga ahensya ng gobyerno para sa imbestigasyon at tulong sa lugar. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here