Home NATIONWIDE Ex-DPWH Sec. Bonoan, inilipat sa pribadong ospital – PNP

Ex-DPWH Sec. Bonoan, inilipat sa pribadong ospital – PNP

42
0

MANILA, Philippines – Inilipat sa isang pribadong ospital ang dating Secretary ng Department of Public Works and Highways na si Manuel Bonoan mula sa Philippine National Police – General Hospital (PNP-GH), kinumpirma ng PNP nitong Miyerkules.

Ayon kay PNP public information chief Col. Allen Rae Co, sa isang press briefing sa Camp Crame, isinagawa ang paglipat kay Bonoan noong Martes ng gabi. Hindi muna pinangalanan ang pribadong ospital kung saan siya dinala.

Naunang isinugod si Bonoan sa PNP-GH matapos tumaas ang kanyang blood pressure kasunod ng kanyang pagsuko sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Camp Crame kaugnay ng kaso sa Sandiganbayan na plunder na may kaugnayan sa mga flood control projects ng gobyerno.

Patuloy pa ang pag-uulat habang wala pang karagdagang detalye sa kanyang kondisyon. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here