Home NATIONWIDE 4 vloggers kinasuhan ng NBI sa ‘fake news’

4 vloggers kinasuhan ng NBI sa ‘fake news’

MANILA, Philippines- Naghain ang National Bureau of Investigation (NBI) nitong Martes ng reklamo laban sa apat na vloggers a of Justice (DOJ) “for manipulating video interviews of government officials.”

“Nagkakalat po sila ng mga video at mga— gamit ang social media platforms kung saan ang mga video at mga interviews sa ating mga government official ay ini-isplice nila at pinapalitan ng ibang konteksto,” pahayag ni NBI Criminal Intelligence Division Senior Agent Raymond Macorol.

Sinabi ni Macorol na naghain sila ng reklamong unlawful use of publication, paglabag sa Anti-Alias Law, at inciting to sedition.

Sinabi niya na minanipula umano ng vloggers ang video ni NBI Director Jaime Santiago kung saan sinabi niyang maghahain ang mga awtoridad ng reklamo laban sa overseas Filipino workers na nagpapakalat ng fake news.

“Inisplice po nila ang video na ito. Pinalitan nila ng ibang konteksto at mga caption kung saan nilagay nila, OFW (overseas Filipino workers) aarestuhin daw. Pinapakalat nila na wag na magpadala ng mga remittances para sa kanilang mga mahal sa buhay na nasa ating bansa,” dagdag niya.

Tumanggi siyang pangalanan ang vloggers subalit sinabing galing sila sa Saudi Arabia, Canada, at New Zealand habang ang isa ay mula sa United Kingdom na kasalukuyang nagbabakasyon sa Bohol.

Inihayag din ni Macorol na posibleng maghain sila ng karagdagang reklamo laban sa iba pang vloggers. RNT/SA