Home NATIONWIDE 480K tirahan wala pa ring kuryente – Gatchalian

480K tirahan wala pa ring kuryente – Gatchalian

MANILA, Philippines – Hinimok ni Senador Sherwin Gatchalian nitong Sabado, Abril 13 ang Department of Energy (DOE) na suportahan ang pagtatayo ng mas maraming microgrid systems sa mga liblib na lugar sa bansa upang maabot ang 480,000 tirahan na nananatiling walang kuryente.

“The DOE must persist in its efforts to advocate for the implementation of microgrids in areas that lack access to reliable power and are underserved,” saad sa pahayag ni Gatchalian.

“Microgrids are a critical infrastructure for the electrification of our rural communities,” giit niya.

Ayon sa senador, sa survey na isinagawa ng Philippine Statistics Authority noong 2020 ay nagpakita na kabuuang 479,029 tirahan sa “missionary areas,” o off-grid communities, ay nananatiling walang suplay ng kuryente o nakararanas ng kakulangan sa suplay ng kuryente. RNT/JGC