BATANGAS, Philippines – Isang limang taong gulang na babae ang natagpuang patay, walang saplot at nakabalot sa sako malapit sa creek sa Barangay Maugat, Tanauan, Batangas.
Hinihinalang ginahasa bago pinatay ang bata, at natagpuan na may laslas sa leeg.
Ayon sa imbestigasyon, inutusan ng isang lalaking kapitbahay ang anak nito na yayain ang biktima na maglaro sa kanilang bahay.
Hindi napansin ng ina ng bata ang pagkawala nito at hinanap sa iba’t ibang lugar, hanggang sa kinabukasan natagpuan malapit sa creek.
Dinakip ng mga awtoridad ang kapitbahay at isa pang lalaki na itinuro ng suspek bilang gumahasa at pumatay sa bata.
Hindi pa nagbigay ng panig ang mga naaresto, habang humihiling ng hustisya ang pamilya ng biktima. RNT/MND