MANILA, Philippines – Nagbabala ang PAGASA na posibleng umabot sa “danger level” ang heat index sa limang lugar sa Luzon sa Marso 7, 2025.
Inaasahang aabot sa 42°C ang temperatura sa Dagupan City, Pangasinan; Iba, Zambales; Ambulong, Tanauan, Batangas; San Jose, Occidental Mindoro; at Cuyo, Palawan.
Ang heat index na nasa pagitan ng 42°C at 51°C ay itinuturing na “delikado” at maaaring magdulot ng heat cramps, heat exhaustion, at heat stroke.
Samantala, inaasahang aabot sa 40°C ang heat index sa NAIA Pasay City at 39°C naman sa Science Garden Quezon City.
Ayon sa PAGASA, normal ang ganitong matinding init habang lumilipat ang bansa mula tag-ulan patungong tag-init. RNT