MANILA, Philippines – Tiniyak ni Senate President Sherwin “Win” Gatchalian na tutukan ng Senado sa pagbubukas ng ikalawang regular session ng 20th Congress ang limang priority bills upang umangat ang ekonomiya na mararamdaman ng mamamayan na magbiibgay ginhawa sa lahat.
Sa kanyang talumpati sa pagbubukas ng 2nd regular session ng 20th Congress sa Senado, sinabi ni Gatchalian na nakahanda ang Mataas na Kapulungan upang harapin ang hamon ng bayan nang may malinaw na layunin at agarang pagkilos.
“Naririnig namin ang hinaing ng bawat Pilipino at nauunawaan namin ang bigat ng kanilang pang-araw-araw na buhay. Kaya ang bawat panukalang ating isusulong ay dapat magbigay ng konkretong solusyon sa kanilang mga pangangailangan at magbukas ng mas maraming pagkakataon upang makamit nila ang kanilang mga pangarap,” ayon kay Gatchalian.
Sinabi ni Gatchalian na magsisimula ang pagkilos ng Senado sa pagpapagaan ng pamumuhay ng mammayaan sa pagpapasigla at pagpapaganda ng ekonomiya dahil walang bisyon sa pambansang kaunlaran na maaaring gawin habang nakikipag-buno ang ating pamilya na makamit ang pangunahing pangangailangan.
“The most urgent point of concern, therefore, is getting the Philippine economy back on track. To that end, this Congress will prioritize legislation aimed at reinvigorating the nation’s economy in support of this administration’s objectives,” ayon kay Gatchalian.
“Furthermore, genuine economic recovery cannot be measured by growth figures alone. It must be felt in the things that really matter—affordable goods and services, secure jobs, and food on the table,” giit ng lider ng Senado.
Aniya, uunahin ng Senado ang maaga at maayos na pagsasabatas ng pambansang badyet na pinakamakapangyarihang sandata upang pasiglahin ang ekonomiya upang pondohan ang kritikal na serbisyon at tiyakin na masisimulan at matatapos ang lahat ng proyekto.
“Kasabay ng maagap at masusing pagpasa ng pambansang budget para sa susunod na taon, limang pangunahing usapin ang tututukan ng inyong Senado: mataas na presyo ng mga bilihin, maliit na take-home pay ng mga manggagawa, mahal na singil sa kuryente, kakulangan sa imprastraktura at transportasyon, at kawalan ng kasiguruhan sa hanapbuhay,’ ayon kay Gatchalian.
Giit ng senador na “anuman ang ating katayuan sa buhay, ramdam nating lahat ang bigat ng mga problemang ito.”
Sinabi ni Gatchalian na uunahin ng Senado ang pagtugon sa pagtaas ng halaga ng pagkain upang matiyak na may sapat na suplay at abot-kaya ang presyo ng bigas na tumaas ng higit sa 20 porsiyento sa nakalipas na taon.
“Upang matiyak ang sapat na suplay at abot-kayang presyo ng bigas, bibigyan natin ng prayoridad ang mga amyenda sa Rice Tariffication Law, na kabilang sa mga prayoridad na panukala ng LEDAC. Titiyakin din nating sapat ang reserbang bigas ng NFA, habang pinoprotektahan ang kita at kabuhayan ng ating mga magsasaka,” aniya.
Pangalawa, ayon pa kay Gatchalian na tutukan ang perang naiuuwi ng mga. “Dito nakasalalay ang kanilang kakayahang mapag-aral ang kanilang mga anak, magbayad kuryente, at matugunan ang mga pangangailangan ng kanilang pamilya.”
“Dahil sa mataas na inflation, nabawasan ang purchasing power o tunay na halaga ng perang kinikita ng ating mga kababayan. Ang halaga ng isang daang piso noong 2018 ay katumbas na lamang ng 74 pesos ngayon,” ayon kay Gatchalian.
“Kaya magiging prayoridad ng inyong Senado ang Ginhawa Bill. Simple ang layunin nito: dagdagan ang take-home pay ng ating mga manggagawa. Sa ilalim ng panukala, ang kumikita ng hanggang 400,000 pesos sa isang taon ay hindi na magbabayad ng income tax,” dagdag ng senador.
“Itataas din natin ang tax-free ceiling para sa mga bonus. Aalisin din ang buwis sa overtime pay, holiday pay, night-shift differential, hazard pay, at service charge,” giit pa ng lider.






