Home HOME BANNER STORY 5-storey multi-purpose hall, binuksan sa NPC

5-storey multi-purpose hall, binuksan sa NPC

1
0

MANILA, Philippines – Opisyal nang binuksan nitong Huwebes, Setyembre 24, 2026, ang limang palapag na Multi-Purpose Hall sa compound ng National Press Club (NPC).

Kasabay nito ang unveiling ng commemorative bust ni Don Emilio T. Yap sa gusaling ipinangalan sa kanya. Pinangunahan ni NPC President Mina Navarro ang panalangin at nagbigay ng welcome remarks sa naturang okasyon.

Dumalo rin sa seremonya ang ilang kaanak ni Don Emilio T. Yap, kabilang si Dr. Emilio C. Yap III, presidente ng Manila Bulletin.

Isinagawa ang unveiling kasabay ng paggunita sa ika-101 anibersaryo ng kapanganakan ni Don Emilio T. Yap bilang pagkilala sa kanyang buhay, pamana, ambag sa NPC at panghabambuhay na paglilingkod sa bayan.

Nagpasalamat naman ang NPC sa pamilya Yap sa donasyon ng gusali na gagamitin para sa medical at dental clinic na mapapakinabangan ng mga miyembro ng NPC at kanilang pamilya.

Ang pagsasaayos ng gusali ay pinondohan ng Manila Bulletin at magkakaroon dito ng libreng konsultasyong medikal.

Dumalo rin sa okasyon ang mga board member ng Manila Bulletin, Manila Vice Mayor Chi Atienza, dating Senator Cynthia Villar, at dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, na kinatawan din ng Pampanga 2nd District. Jocelyn Tabangcura-Domenden  

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here