MANILA, Philippines – Sugatan ang limang sundalo nang tambangan ang mga ito ng mga armadong kalalakihan habang sakay ng military vehicle sa Sitio Valentine, Barangay Tipo-Tipo Proper, Tipo-Tipo, Basilan nitong Martes, Nobyembre 19.
Ayon sa ulat mula sa Al Barka police, nasa 20 hindi tukoy na armadong kalalakihan ang nagpaulan ng bala sa KM 450 military truck, dahilan para tamaan sina Private First Class Andy Tolentino, Private Marlon Bucod, 1st Lieutenant Renante Binoloc, Private First Class Rodel Carpio at Private First Class Darren Carangian.
Nagtamo ng tama ng bala sa binti si Tolentino, habang sugat sa pwetan naman ang tinamo ni Bucod.
Minor injuries naman ang nakuha nina Binoloc, Carpio, at Carangian sa naturang pamamaril.
Ayon kay Brigadier General Alvin Luzon, commander ng 101st Army Brigade, ang mga miyembro ng 45th Infantry Battalion, ay galling sa medical outreach program nang tambangan ang mga ito.
“Our troops are now okay after being checked by medical practitioners. We are now conducting pursuit operations against the perpetrators jointly with the Moro Islamic Liberation Front in the area,” ani Luzon.
Sa kabila nito, sinabi ni Luzon na ang mga umatake sa sundalo ay hindi mga miyembro ng
Abu Sayyaf Group, kidnap-for-ransom o maging private armed groups. RNT/JGC